Tuesday , July 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ervic wish maging leading man ni Bea

Ervic wish maging leading man ni Bea

ISA pa sa mga GMA artist na kaka-renew lang din ng kontrata ay si Ervic Vijandre.

Taong 2010 nang naging parte si Ervic ng GMA noong sumali siya sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown at taong 2015 naman noong opisyal siyang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center.

Kung siya ang tatanungin sa kung ano ang nais niyang mangyari ngayong may panibagong kontrata na siya bilang Kapuso, “Well kung ako pahihilingin n’yo, kung ako mabibigyan ng opportunity na humiling, ng role, eh gusto kong maging leading man ni Heart Evangelista, maging leading man ni Bea Alonzo.

’Di ba? Kung hihiling lang ako ‘di hilingin ko na ‘yung the best! ‘Di ba?

“O bakit hindi, maging leading man ako ni Marian Rivera!”

 Na-meet o nakatrabaho na ba niya si Bea, si Heart? At kumusta sila ni Marian?

“Si Heart, well maraming beses ko na siyang nakatrabaho, and she’s very friendly sa akin and sobrang mabait din, so I would like to work with her again. Feeing ko sobrang okay, sobrang magiging masaya.

“With Bea naman, siyempre she came from, sa kabilang network so to work with her, ayun, something very new for me, tapos, well nakilala ko naman siya, we have common friends. 

“Na-meet ko na siya mga ilang beses na before, iyon lang, hanggang ganoon lang pero if we talk about working together, bago ‘yan, sobrang bago!”

 Si Marian? “Kung mabibigyan ng opportunity, sa 11 years ko [sa GMA], ngayon lang kami magkakasama sa trabaho, ‘di ba? So, sobrang kakaiba ‘yun, for me,” sinabi pa ni Ervic.

– Rommel Gonzales

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top