Wednesday , September 24 2025

Caloocan inalarma vs CoVid-19 Delta variant

NAGBABALA si Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan kaugnay ng pagpasok ng CoVid-19 Delta variant sa Metro Manila.

“Nagkaroon kami ng meeting kahapon kasama ang Metro Manila Mayors, IATF, at DOH kung saan tinalakay ang Delta variant na sadyang napakamapanganib. Pumasok na ang Delta variant sa NCR, mayroon na sa ibang mga lungsod,” pahayag ni Mayor Oca sa flag-raising ceremony kahapon, Lunes ng umaga.

Kaugnay nito, inatasan ng alkalde ang Caloocan Police na mas maging mahigpit sa pagmo-monitor ng mga pagtitipon sa lungsod ng Caloocan.

“Lahat ng gatherings tingnan at imbestigahan agad, una, kung mayroong permit. Pangalawa, tingnan ‘yung lugar kung safe. Actually, wala nang safe ngayon dahil nariyan lang palagi ang banta ng CoVid-19, kaya kailangang i-monitor lahat ng mga barangay,” diin niya.

Ayon sa punong-lungsod, magpapatawag din siya ng meeting kasama ang mga kapitan ng bawat barangay ngayong araw, nang sa gayon ay masigurong naipatutupad ang IATF guidelines sa kanilang mga nasasakupan.

Samantala, patuloy na pinag-iingat ang lahat at hinihikayat na laging sumunod sa minimum health protocols. (JUN DAVID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Tuba Benguet landslide bagyo Nando

Sa Tuba, Benguet
9 sugatan sa landslide sa pananalasa ng bagyong Nando

SUGATAN ang siyam katao sa ilang naiulat na mga insidente ng pagguho ng lupa sa …

Dead body, feet

Sa Tanza, Cavite
Bangkay ng lalaki natagpuan sa liblib na lugar

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa liblib na bahagi ng …

Sta maria Bulacan Police PNP

Motorsiklo tinangay, ipinang-roadtrip 2 kabataan timbog

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki at kaniyang kasamang menor de edad na itinurong …

Norzagaray Bulacan police PNP

P38-K kita ng tindahan sinikwat ng empleyado

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos tangayin ang kita ng tindahang pinagtatrabahuan sa …

Taguig PNP Police

Motorsiklo ninakaw, tinangkang ibenta; Pulis-Taguig timbog sa mga kabaro

NASAKOTE ang isang pulis na nakatalaga sa Taguig CPS matapos tangkang ibenta ang ninakaw na …