Tuesday , July 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Wedding bells kina Coco at Julia malapit na
Wedding bells kina Coco at Julia malapit na

Wedding bells kina Coco at Julia malapit na

HATAWAN
ni Ed de Leon

MUKHANG may naririnig daw na mga “kuliling ng wedding bells” kina Coco Martin at Julia Montes. May mga insider ngang nagsasabi na, ”matagal na namang magsyota ang dalawang iyan. Gusto lang nila ng privacy kaya walang sinasabi.”

Pero lately iba na ang mga indikasyon. Si Julia na mismo ang nagsasabing ang feeling niya dumating na siya sa tamang edad para magkaroon na ng sariling buhay. May nasabi pa siyang gusto na rin niyang maging nanay. Kasunod niyon, madalas na silang makitang magkasama ni Coco sa kung saan-saan, na hindi naman nangyayari dati.

Ngayon may ginagawa pa silang pelikula, at posibleng masundan iyon ng isa pa agad pagkatapos.

Mukha ngang ikinukondisyon na nila ang isipan ng fans sa “isang malaking announcement.”

Sana nga matuloy na.

 

 

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top