Monday , September 20 2021

Rhen Escaño the next Lovi Poe

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


N
UMBER one sa Vivamax ang pelikulang ukol sa baliw na pag-ibig na kinatatampukan nina Lovi Poe, Rhen Escano, at Joem Basco, ang The Other Wife kaya naman super happy ang director nitong si Prime Cruz.

Ani Direk sa isinagawang digital media conference kahapon ng hapon, ”Sobrang happy ako na nag-number one siya, siyempre feeling ko ‘yung good feedback dahil kapag nagbabasa ako ng reviews parang ang napapansin talaga ng mga tao ‘yung performance ng mga actor.”

Pag-amin ng director, crucial sa mga ganitong pelikula ang arte ng mga actor. “Sobrang crucial kasi ang performance ng mga actor sa ganitong klase ng pelikula kasi one location tapos three characters. So wala talagang ibang pagdadalhan ‘yun eh, parang record break siya eh. Kung maganda ‘yung performance magiging maganda ‘yung film. Tapos kung hindi okey hindi siya magiging maganda.”

Sinabi pa ni Direk Prime na thankful siya dahil, ”noong ine-edit ko siya tapos natutuwa talaga ako sa performance, masarap siyang laruin sa editing kasi maganda iyong mga ibinigay ng actor.”

At dahil successful sa digital ang The Other Wife, natanong ang director kung may planong i-release ito sa mga sinehan.

Gusto ko iyon kaya lang it’s up to the producers. Sana magkaroon talaga siya ng theatrical para sa mga gumawa ng pelikula na sobrang rewarding talaga na makita siya sa big screen.”

Bukod sa pelikula, pinupuri rin ang galing ng pagka-arte ng mga bida rito tulad nina Rhen at Lovi na sinasabing puwedeng manalo ng award.

“Sobrang nakatutuwa kung naa-appreciate ng mga tao iyong ginagawa, iyong trabaho namin,” sagot ni Rhen. “At the end of the day, iyong role po na makita nila na nag-work iyong ibinigay ng character mo roon sa film, hindi rin kasi siya naging madali for me. Kung nakita nila iyon at kung marami ang pumupuri, sobrang nakatutuwa talaga.

“Iyon din naman ang nagpu-push sa akin na gumawa pa ng magagandang pelikula. Iyon naman ang goal natin at thankful po ako roon,” sambit pa ni Rhen na ginagampanan ang karakter ni Luisa, ang magiging kaagaw ni Janis kay Ronnie.

At dahil sa galing ni Rhen at tema ng mga pelikulang ginagawa niya na hawig sa mga pelikula ni Lovi, sinasabing siya ang next Lovi Poe.

“Sobra akong kinikilig diyan kasi si Lovi Poe iyon eh. Pero wala namang ibang makakapantay sa kanya o makakapalit sa kanya. So siguro, well, thankful ako kung nakikita nila iyon. Pero parang gusto ko rin namang gumawa ng sariling path at gusto kong makilala ng mga tao bilang Rhen Escano. And si Lovi, Lovi Poe na siya at walang makakapantay o makakapalit doon.

“Pero sobrang natutuwa ako kung nakikita nila iyon,” giit pa ng aktres.

Sa kabilang banda panoorin ang kakaibang sexy-thriller film  na The Other Wife na hindi ordinaryong affair movie na napanood niyo na. Dahil mababaliw ka sa pag-ibig at mababaliw ka sa suspense na hatid nito na palabas na sa kasalukuyan sa VIVAMAX.

Ngayon, mas pinadami na ang paraan para mag-subscribe sa VIVAMAX! Mag-subscribe gamit ang VIVAMAX app. Sa halagang P149, maaari ka nang mag watch-all-you-can for 1 month o P399 para sa tatlong buwan para mas sulit, at pwede kang magbayad gamit ang iyong debit, credit card, GCash or PayPal account na naka-link sa iyong Google or Apple account.

Maaari ring mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad gamit ang PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay, o sa ECPAY partner outlets na malapit sa inyo.

Pwede ring mag-add to cart ng VIVAMAX subscriptions sa Shopee, Lazada, PayMaya at ComWorks Clickstore. Maaari ring magbayad ng VIVAMAX subscription plans sa mga authorized outlets na malapit sa inyo: Load Central, ComWorks at Load Manna. At pwede ring tumawag sa inyong Cable Operators para mag-subscribe: Sky Cable, Aklan Cable Television Co., Inc. Cebu Cable HD, Cable Link, Cotabato Cable Television Network Corp., Concepcion Pay TV Network Inc., BCTVI, Paradise Cable Television Nework, Inc., Wesfardell Connect, Z-energy Cable TV Network Inc., DCTV Cable Network, Pacific Kable Net, Pakil Cable, Kabankalan Community Antenna Television, Inc., and Fil Products-Dumaguete.

 

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Blind Item Corner

Panloloko ni actor nabisto ni showbiz gay

ANG akala ng male starlet ay totoong baliw na baliw na sa kanya ang showbiz gay. Ang balak lang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *