Monday , September 20 2021

Mikee at Sef younger version nina Bitoy at Mane

I-FLEX
ni Jun Nardo

ISINALANG si Mikee Quinos sa isang sitcom. Siya ang gaganap na younger version ni Manilyn Reynes sa pagbabalik sa ere ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento sa Sabado.

Si Sef Cadayona ang makakakulitan niya na lalabas na young Michael V bilang si Pepito.

Ayon kay Bitoy sa virtual mediacon ng series, gusto  nilang ihain sa manonood ang bagong putahe sa pagbabalik ng sitcom. Prequel ang ginawa nila dahil hindi pa alam ng tao ang love story nila ni Mane sa series.

‘Yun nga lang, magsisilbi na lang narrator sa kuwento sina Bitoy at Mane. Ang younger stars na ang mapapanood kasama ang baguhang si Kokoy de Santos at oldies na sina Gladys ReyesArchie Alemania, at Pokwang.

About Jun Nardo

Check Also

Blind Item Corner

Panloloko ni actor nabisto ni showbiz gay

ANG akala ng male starlet ay totoong baliw na baliw na sa kanya ang showbiz gay. Ang balak lang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *