Sunday , September 19 2021

Bagets na pahada ipinagmalaki ang certificate para magtaas ng presyo

NAGTATAWA ang isang Showbiz Gay, kasi raw iyong isang Bagets na kulukadidang niya na binibigyan lang niya ng pera, aba bigla na lang daw nagbigay ng presyo sa kanya at ang sabi ay hindi na puwede iyong kagaya noong dati dahil artista na siya. Bilang katunayan, ipinakita pa sa kanya ang isang certificate na siya ay nag-attend ng ng isang basic acting workshop. Bagong modus iyan ng mga pahada.

Sabi nga ng showbiz gay, ”kung sabihin ko kaya sa lahat ang naging relasyon namin at kung saan ko siya nadampot, makuha pa kaya siyang artista kahit ilang workshop pa ang salihan niya?”

Iyong mga taong ganyan, talagang nag-iisip din sila kung paano sila kikita nang mas malaki. Siguro may nagsabi sa kanya, kung mapapaniwala niya ang mga taong artista na nga siya, mas malaki ang makukuha niyang bayad sa kanyang lihim na sideline. At mapatutunayan niya na artista na nga siya dahil nag-workshop na siya.

Kaya minsan kawawa ang mga artista eh. Pati sila nadadamay dahil sa mga ganyang hustlers.

(Ed de Leon)

 

About Ed de Leon

Check Also

Klosetang actor at gay celebrity nagkapatulan

KAWAWA ang closeted male star kung totoo ngang nagkapatulan sila ng isang openly gay celebrity. Iyan ang kuwento sa amin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *