Thursday , September 23 2021

Vice Ganda ‘di raw pinatutsadahan sina Lloydie at Bea

MA at PA
ni Rommel Placente

SA programa nilang It’s Showtime noong Sabado, nilinaw ni Vice Ganda na hindi siya galit sa mga dating kasamahan niya sa ABS-CBN 2 na lumipat sa GMA 7.  Kaya siya nagpaliwanag, ay dahil may lumabas na balita na nag-tweet umano siya ng patutsada laban kina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz nang lumipat ang dalawa sa Kapuso Network.

Sabi ni Vice, ”Hindi kami galit sa mga lumilipat hindi katulad ng mga pinapalabas ninyong balita sa  social media.”

Bago ang paglilinaw, una nang pinasinungalingan ni Vice Ganda ang sinasabing pasaring niya kina Lloydie at Bea. Sa kanyang Instagram account ay sinabi niyang, ”Mga taong sa panahon ngayon chismis, paninirang puri at fake news pa din ang trabaho YUUUCCCKKK! Mas mabaho pa kayo sa TAE. Yan ang #FACT!

Sinundan pa niya ito ng, ”Kadiri itong FAKE NEWS na to!!!!!! Pero mas KADIRI yung mga sumakay!!!! Pero PINAKAKADIRI yung mga sumusweldo at kumikita sa FAKE NEWS!!!” 

About Rommel Placente

Check Also

Manny Pacquiao, Jinkee Pacquiao

Jinkee suportado ang pagtakbo ni Manny sa pagka-pangulo

FACT SHEETni Reggee Bonoan KAHAPON naman ay ipinost ng wifey ni Senator Manny Pacquiao, si Jinkee Pacquiao sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *