Tuesday , July 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Silab nina Cloe at Marco may kasunod na
Silab nina Cloe at Marco may kasunod na

Silab nina Cloe at Marco may kasunod na

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

NGAYONG ipinalalabas na sa ktx.ph at sa Vivamax ang Silab ng mga baguhang sina Cloe Barreto at Marco Gomez na idinirehe ni Joel Lamangan, hopeful ang newbies ng 3:16 Media Network na may panibagong proyektong maluluto para ikasa sila very soon.

Ayon sa manager ng dalawa na miyembro ng Clique V at Belldonnas, isang magandang istorya na follow-up sa Silab ang kanila na ngayong pinag-aaralan.

Ayon sa mga nakapanood na sa pelikula, kung naging daring na rito sa mga eksena nila sina Cloe at Marco, na nagiyahan ni direk Joel, pati na ng mga beteranang nakasama nila sa proyekto, maganda naman na makita si Cloe sa isang heavy drama at sa action naman masubukan ang matikas na si Marco.

Impressed ang pamunuan ng Viva sa lakas ng loob ng mga baguhan na nakipagsabayan kina Jason Abalos, Lotlot de Leon, at Chanda Romero.

Patuloy silang manggugulat!

About Pilar Mateo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top