Saturday , September 18 2021

Happy Time tsugi na ba?

MARAMI ang nagtatanong sa amin kung may Happy Time pa sa NET 25 na produced ng Eagle Broadcasting Corporation dahil puro raw replay.

Original host sa Happy Time sina Anjo Yllana at Kitkat Favia hanggang sa ipinasok si Janno Gibbs na nagkaroon naman sila ng problema.

Nawala sina Kitkat at Janno sa programa at pinalitan sila nina Boobsie at CJ Hiro na sa kalaunan ay ipinasok na rin si Dingdong Avanzado para makasama ni Anjo.

Hanggang sa nawala naman si Anjo dahil sa pagsusumbong nito tungkol sa may inumang nagaganap sa lock in taping ng Happy Time sa Philippine Arena.

Nagkagulo-gulo na silang lahat at ayon sa nakausap naming taga-NET 25, walang sinasabi sa kanila ang EBC management kung tsugi na ang Happy Time o baka inihahanda ang 2nd season.

“Sa ngayon po kasi, maraming mga ganap, busy pa sa finals ng ‘Tagisan ng Galing’ tapos may mga bagong shows po, so abala pa ang lahat. ‘Yung ‘Happy Time’ baka kasi may season 2,” paliwanag sa amin ng taga-NET 25.

Maraming mga Kapatid sa Iglesia ni Cristo ang tumatangkilik sa programa lalo na’t nakakasali sila sa pakontes dahil nakatutulong ito sa kanila.

Mag-iisang taon na sana ang Happy Time sa Setyembre 2021 at sana nga magtuloy-tuloy pa ito.

About Reggee Bonoan

Check Also

Klosetang actor at gay celebrity nagkapatulan

KAWAWA ang closeted male star kung totoo ngang nagkapatulan sila ng isang openly gay celebrity. Iyan ang kuwento sa amin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *