Saturday , September 18 2021

Angelica iiwan na rin ba ang ABS-CBN?

MA at PA
ni Rommel Placente

MULA nang lumipat si Bea Alonzo sa GMA ay bina-bash siya ng mga netizen. Sabi ng mga ito, walang utang na loob ang aktres dahil iniwan niya ang ABS CBN na nagpasikat at nagpa­yaman sa kanya.

To the rescue naman kay Bea ang kaibigang si Angelica Panga­niban. Ipinagtang­gol niya ito sa mga basher. Sabi ni Angelica, intindihin na lang si Bea sa naging desisyon na lumipat sa Kapuso Network. At nakiusap pa itong huwag nang i-bash ang aktres.

Pero dahil sa pagta­tang­gol ni Angelica kay Bea, nag-1+1 ang mga netizen. Sabi nila, siguro raw ay susunod nang lilipat si Angge sa Siyete kaya ganyan na lang ang pagtatang­gol nito sa aktres.

Naku, ang mga netizen, kung makapag- isip talaga, akala nila ay tama ang iniisip nila. Sa tingin namin, walang balak si Angelica na iwan din ang ABS-CBN.  Noong ma-interview kasi siya sa presscon ng defunct series niya na Walang Hanggang Paalam ay sinabi niyang huling serye niya na ito,

Hindi na siya gagawa ng serye. Pero hindi naman nangangahulugang na iiwan niya na ang ABS-CBN.

Sa tingin ko naman ay may palabra-de-honor si Angge. Kaya mananatili siya sa ABS CBN.

 

 

About Rommel Placente

Check Also

Klosetang actor at gay celebrity nagkapatulan

KAWAWA ang closeted male star kung totoo ngang nagkapatulan sila ng isang openly gay celebrity. Iyan ang kuwento sa amin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *