Saturday , September 18 2021

Pepito Manaloto star-studded

MGA bigatin at bagong mukha ang bibida sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ngayong Hulyo.

Mapapanood sa prequel ang makulay na kabataan ng mga bidang sina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) noong dekada 80 na gagampanan nina Sef Cadayona at Mikee Quintos. 

Alamin kung paano nga ba nagsimula ang kanilang love story sa Barangay Caniogan, Bulacan pati na rin ang pinagsimulan ng ilan pang mga minahal na karakter sa Pepito Manaloto.

Makakasama nina Sef at Mikee ang hunk actor na si Kokoy de Santos na gaganap bilang si Patrick (John Feir). Tampok din sa all-star cast sina Pokwang, Gladys Reyes, Archie Alemania, Denise Barbacena, at Kristoffer Martin.

Tunghayan ang highly-anticipated comeback ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, soon sa GMA-7.

(ROMMEL GONZALES)

 

About Rommel Gonzales

Check Also

Klosetang actor at gay celebrity nagkapatulan

KAWAWA ang closeted male star kung totoo ngang nagkapatulan sila ng isang openly gay celebrity. Iyan ang kuwento sa amin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *