Saturday , September 18 2021

GMA Now mas ginawang abot-kaya

GOOD news para sa loyal Kapuso viewers! Mabibili na sa mas murang halaga ang mobile digital TV receiver na GMA Now bilang pasasalamat at sa ika-71 taong anibersaryo ng Kapuso Network.

Simula June 28 hanggang July 27, magiging P599 na lang ang discounted price ng GMA Now mula sa original price na P649.

Gamit ang GMA Now, maaaring mapanood sa inyong android phones ang mga paboritong programa sa GMA, GTV, Heart of Asia, Hallypop, DepEd TV, I Heart Movies, at iba pang available free-to-air digital channels kahit nasaan ka man.

Available ito sa ilang mga lugar sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Abra, Ilocos Sur, Baguio City, Pangasinan, Batangas, Metro Cebu, Metro Davao, Cagayan de Oro, at Bacolod City.

Tumungo sa www.gmastore.ph para bumili online. Tumutok naman para sa iba pang updates sa official social media accounts ng GMA Now sa Facebook, Twitter, at Instagram.

(ROMMEL GONZALES)

About Rommel Gonzales

Check Also

Klosetang actor at gay celebrity nagkapatulan

KAWAWA ang closeted male star kung totoo ngang nagkapatulan sila ng isang openly gay celebrity. Iyan ang kuwento sa amin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *