Saturday , September 18 2021

Claire at Royce pinag-init ang malamig na panahon

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

HINDI umubra ang malamig na panahon sa sizzling and daring photos nina Claire Castro at Royce Cabrera para sa kanilang Nagbabagang Luha.

Magkahalong excitement at intriga ang naging reaksiyon ng netizens sa behind-the-scene photos nina Claire at Royce na parehong mga bagong mukhang mapapanood sa GMA Afternoon prime block. Ang Nagbabagang Luha ang unang major TV project nilang dalawa.

Gagampanan ni Claire ang role ni Cielo na orihinal na binigyang-buhay ni Alice Dixson. Si Cielo ang mapusok at rebeldeng kapatid ni Maita na gagampanan naman ni Glaiza de Castro.

Samantala, gaganap naman si Royce bilang si Sherwin, isang big-time drug dealer.

About Joe Barrameda

Check Also

Klosetang actor at gay celebrity nagkapatulan

KAWAWA ang closeted male star kung totoo ngang nagkapatulan sila ng isang openly gay celebrity. Iyan ang kuwento sa amin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *