Saturday , September 18 2021

Lolo tinaniman ng 2 bala sa ulo sa QC

TUMIMBUWANG ang 63-anyos lolo sa dalawang beses na pagbaril sa kanyang ulo ng hindi kilalang suspek sa Quezon City, nitong Martes ng madaling araw.
 
Ang biktima ay kinilalang si Norberto Marquez Onoya, 63, may asawa, walang trabaho at residente sa Blk. 6 Poinsettia St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.
 
Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 1:20 am nitong 6 Hulyo nang maganap ang insidente sa Blk. 1 Lot 72 Calachuchi St., Brgy. Commowealth.
 
Batay sa kuwento ni Roselda Saliksik, natutulog siya sa loob ng kanilang tahahan nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril at pagsilip niya sa bintana ay nakita niya ang nakabulagtang biktima na duguan ang katawan sa loob ng nakaparadang tricycle.
 
Nakasamsam ang SOCO Team sa pamumuno ni PLt. John O Agtarap sa crime scene ng dalawang basyo ng hindi pa batid na kalibre ng baril.
 
Masusing nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad kung ano ang motibo sa naganap na krimen. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Michael Yang, Pharmally, DOH, PS-DBM,

‘Taya’ ni Yang sa Pharmally ‘pitik’ sa P42-B pandemic funds ng DOH

AALAMIN ng mga senador kung ang P7-B ipinautang umano ni dating presidential economic adviser Michael …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *