Saturday , September 18 2021

Lola, 4 kasamang mananahi, kelot arestado sa tong-its

ISANG 60-anyos lola, kasama ang apat na babaeng kapwa mananahi, at isang lalaki ang inaresto ng mga awtoridad na natiyempohang ‘naglalaro’ ng tong-its at
naglalatag ng taya sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Malabon City.
 
Kinilala ang mga nadakip na sina Elizabeth Hiraban-Frejoles, 60 anyos, Teresita Hiraban, 59 anyos, Dina Frejoles, 27 anyos, Joan Frejoles, 24 anyos, at Rosemarie Montes, 21, pawang mga mananahi; at Rafael Roque, 25 anyos.
 
Sa report nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/SSgt. Michael Oben kay Malabon chief of police Col. Albert Barot, nakatanggap si P/SSgt. Mitchum Caoy ng Station Intelligence Section (SIS) ng impormasyon mula sa barangay information network (BIN) hinggil sa nagaganap na illegal gambling activities sa A. Mabini St., Brgy. Concepcion.
 
Kaagad bumuo ng team ang mga tauhan ng SIS sa pangunguna ni P/Lt. Joseph Alcazar at Sub-Station 6 sa pamumuno ni P/Lt. Manny Ric Delos Angeles saka nagsagawa ng joint operation sa lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
 
Narekober sa mga suspek ang dalawang set ng playing cards/baraha at P1,040 bet money. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Michael Yang, Pharmally, DOH, PS-DBM,

‘Taya’ ni Yang sa Pharmally ‘pitik’ sa P42-B pandemic funds ng DOH

AALAMIN ng mga senador kung ang P7-B ipinautang umano ni dating presidential economic adviser Michael …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *