Saturday , September 18 2021

2 lalaki huli sa drug buy bust sa Kankaloo

SWAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang isang online seller sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
 
Kinilala ni Caloocan City chief of police Col. Samuel Mina, Jr., ang naarestong mga suspek na sina Miguel Cantos, alyas Migs, 20 anyos, kilalang drug pusher, residente sa 1st Ave., Cubao; at Justin Merdigia,28 anyos, online seller ng K 8th, Brgy. West Kamias, kapwa ng Quezon City.
 
Ayon kay Col. Mina, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant (RCI) hinggil sa umano’y pagbebenta ng ilegal na droga ni Cantos kaya’t isinailalim sa isang linggong validation.
 
Nang makompirma ang ulat, dakong 2:00 am, isinagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Maj. Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO ang buy bust operation sa kahabaan ng C4 Road, Brgy. 49, Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
 
Narekober sa mga suspek ang tinatayang nasa 400 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana with fruting tops, may standard drug price na P48,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill, apat pirasong P1,000 boodle money, at kulay puting Toyota Rush.
 
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Michael Yang, Pharmally, DOH, PS-DBM,

‘Taya’ ni Yang sa Pharmally ‘pitik’ sa P42-B pandemic funds ng DOH

AALAMIN ng mga senador kung ang P7-B ipinautang umano ni dating presidential economic adviser Michael …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *