Saturday , September 18 2021

PBA nagpasalamat sa MMDA para sa bakuna

PINASALAMATAN ng Board of Governors ng Philippine Basketball Association (PBA) ang Metropolitan Manila Development Authorithy (MMDA) sa pag-alalay at pagtanggap ng kanilang kahilingan na maba­kunahan ang  mga PBA player, mga coach, at staff laban sa coronavirus disease (CoVid-19).

Sa kahilingan ng PBA na kabilang sa maitutu­ring na economic front­liners, nasa A-4 category ng priority list ng pama­halaan sa vaccination program.

“The PBA is one of the industries in the country struggling to cope with CoVid-19. About 1,200 workers in the industry have been affected by the pandemic,” ani MMDA Chairman Benhur Abalos, Jr.

Pangalawa ang PBA sa pinakamatagal na professional basketball league sa mundo sunod sa National Basketball Association (NBA), na naging bahagi na ng kulturang Pinoy, aniya.

Sa ilalim ng A4 group ng CoVid-19 vaccination program, ang private sector workers na pisikal ang presensiya sa kanilang trabaho sa labas ng kanilang bahay ay eligible sa bakuna ng gobyerno.

Ipinaliwanag ni MMDA Chief Abalos, ang mga manlalaro ng basket­ball at mga atleta ay magagamit na influencers ng gobyerno para sa pagpapataas ng kamalayan ng publiko hinggil sa benepisyo ng pagbabakuna.

Iminungkahi rin ng MMDA na sumailalim muna sa antigen testing ang mga manlalaro bago ang kanilang practice, at kung papayagan na sila ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial, malapit na ang pagsasagawa ng sariling vaccination drive at nangako na ido-donate nila sa pamahalaan ang biniling CoVid-19 vaccines kapag dumating na sa bansa.  (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

PH Paralympic delegation, Tokyo 2020 Paralympics

Libreng flights handog ng Cebu Pac sa PH Paralympic delegation

BILANG pagkilala at pagbibigay karangalan sa delegasyon ng bansa sa Tokyo 2020 Paralympics sa kanilang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *