Monday , September 20 2021

Karen davila sa mga Kapamilya — Kalma lang kayo

HATAWAN
ni Ed de Leon

TAMA ang paalala ni Karen Davila sa kanyang mga kapamilya, ”kalma lang kayo.” Sinabi rin niyang hindi tama iyong dahil may nagdesisyong lumipat dahil naghahanap ng mas magandang trabaho aawayin na ninyo at susumbatang walang utang na loob.

Natural iyang ganyang pananaw ni Karen dahil ginawa rin niya iyan eh. Sino ba ang nakakakilala kay Karen noong araw bago siya naging newscaster sa Saksi ng GMA7 noon? Actually, si Karen, kasama nina Mike Enriquez at Lyn Ching, sila ang mga naunang news anchors ng Saksi.

Nang makilala na si Karen nakakita siya ng mas magandang opportunity sa ABS-CBN, tumalon din siya roon, pero in fairness wala tayong narinig na wala siyang utang na loob, ni lalong walang nagsabing bayaran niya ang nagastos ng dati niyang network para makilala siya.

Natural sa tao iyon, na kung saan mas mapabubuti ang kalagayan niya, roon siya pupunta. Ang masakit iyong mga walang mapuntahan dahil walang kumukuha.

About Ed de Leon

Check Also

Blind Item Corner

Panloloko ni actor nabisto ni showbiz gay

ANG akala ng male starlet ay totoong baliw na baliw na sa kanya ang showbiz gay. Ang balak lang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *