Saturday , September 18 2021

Carla may bilin kay Tom — hinay hinay ka sa pang-aapi kay Alden

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

VIDEO message mula kay Carla Abellana ang surprise para kay Tom Rodriguez sa nagdaang Pinoy Abroad Fun Connect ng GMA Pinoy TV para sa upcoming series na The World Between Us noong June 30.

“Hi, Daddy! Congratulations for being part of ‘The World Between Us.’ This is it! I know how eager you have been to get back to work, to be part of such an amazing production team, inggit ako sa’yo, to have great co-actors, and to portray yet another challenging role,” ani Carla.

Gumaganap bilang kontra­bida sa kuwento ang karakter ni Tom sa nasabing serye.

Pabiro pang bilin ni Carla, ”Hinay hinay lang sa pag-api kay Alden, napag-usapan na natin ‘yan. Sabi ko sa ‘yo, ‘wag mo masyadong aapihin si Alden at lagot tayo sa fans niya.”

Kilig na kilig naman ang fans na nakasubaybay sa FunCon sa lambingan ng dalawa.

Samantala, naghahanda na rin si Carla para sa kanyang upcoming drama series na To Have and To Hold.

About Joe Barrameda

Check Also

Klosetang actor at gay celebrity nagkapatulan

KAWAWA ang closeted male star kung totoo ngang nagkapatulan sila ng isang openly gay celebrity. Iyan ang kuwento sa amin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *