Monday , September 20 2021

Bea Alonzo, Kapuso na!

HAYA , kompirmadl nasa GMA 7 na ang isa sa rating ‘reyna’ ng ABS-CBN/Star Magic at premyadong aktres na si Bea Alonzo dahil pumirma na siya ng kontrata

kahapon na ipinost sa social media account ng nasabing TV network.

 

Sa Edsa Shangri-La sa Mandaluyong City ginanap ang contract signing kahapon ng tanghali at winelcome si Bea ng mga executive ng GMA kasama na si Ms Annette Gozon-Valdes ng GMA Pictures.

 

Ayon sa aktres, excited siyang maka-trabaho ang mga artista ng GMA 7 at isa na nga si Alden Richards na gagawa sila ng pelikula produced ng Viva Films, APT Entertainment, at GMA Pictures.

 

Gagawin nina Alden at Bea ang Philippine adaptation ng Japanese TV drama na Pure Soul na ginawan din ng movie version sa South Korea titled A Moment to Remember na ipinapabas noong 2004.

 

Siguradong nakalinya na ang mga gagawing projects ni Bea sa GMA at kung sino-sino ang mga unang Kapusostars na makakatrabaho niya.

 

Samantala, kahapon (Hulyo 1) ay humarap sa media si Bea at hindi na namin nasama ang mga pinag-usapan dahil patapos na naming isulat ito bago ang virtual mediacon.

Reggee Bonoan

About Hataw Tabloid

Check Also

Blind Item Corner

Panloloko ni actor nabisto ni showbiz gay

ANG akala ng male starlet ay totoong baliw na baliw na sa kanya ang showbiz gay. Ang balak lang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *