Saturday , September 18 2021

Kyline mystery girl ni Mavy

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

SASABAK na sa kanilang unang teleserye bilang magka-loveteam sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi para sa upcoming GMA series na I Left My Heart in Sorsogon na pinagbibidahan nina Heart Evangelista, Richard Yap, at Paolo Contis.

Excited kapwa sina Kyline at Mavy sa kanilang serye at sa mga makakatrabaho nila sa magiging lock in taping sa Sorsogon.

Samantala, matunog ngayon sa social media ang usaping nagkakamabutihan na sina Mavy at Kyline. Sa Instagram story ni Mavy nitong Lunes ay may ibinahagi siyang eksena mula sa bagong music video ni Darren Espanto na makikitang nakangiti si Kyline at may caption na, ”Tama na. Akin na muna siya.” 

Mas umingay pa ang usap-usapan nang i-post ni Mavy ang larawan ng isang mystery girl na nakangiti at labas ang dimples, ”her. her smile. her dimples. yup, that’s the post.”

Dahil sa post ng binata, bumuhos ang panunukso mula sa kanyang fellow celebrities tulad nina Rayver Cruz, Rita Daniela, Andre Paras, Juancho Trivino pati na ang kapatid niyang si Cassy Legaspi. Sa isang   interview ay nabanggit ni Mavy na nais niyang makatrabaho si Kyline sa kanyang first teleserye.

About Joe Barrameda

Check Also

Klosetang actor at gay celebrity nagkapatulan

KAWAWA ang closeted male star kung totoo ngang nagkapatulan sila ng isang openly gay celebrity. Iyan ang kuwento sa amin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *