Thursday , April 18 2024
Blackmail nude Voyeurism Sextortion cyber

Mahahalay na pelikula nagkalat

HATAWAN
ni Ed de Leon

“KUNG may MTRCB, hindi makakalusot iyan,”sabi nila tungkol sa isang pelikulang puro hubaran. Hindi nga sakop ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) iyon dahil ipalalabas lang naman iyon sa internet at walang sinasabi sa batas na kailangang dumaan ang palabas sa internet sa MTRCB classification.

Iyan ang dahilan kung bakit marami na namang mahahalay na pelikulang nakalulusot ngayon.

Panahon na siguro para amyendahan ang batas na iyan at isailalim sa classification para hindi na nakakalusot iyong ganyan, mas delikado nga iyang sa internet dahil nabubuksan iyan ng mga bata, hindi gaya sa sinehan na hindi sila makapapasok talaga. Pero kung may warning siguro kahit na paano, kagaya niyong SPG sa telebisyon, mas ok kaysa ganyang lusot na lusot.

Panahon na rin naman para rebisahin ang batas na lumikha sa MTRCB at diyan sa Optical Media Board, naiwan  na ng bilis ng teknolohiya ang batas na iyan.

About Ed de Leon

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *