Monday , July 26 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Yam goodbye muna sa showbiz
Yam goodbye muna sa showbiz

Yam goodbye muna sa showbiz

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


M
UKHANG matatagalan bago bumalik ng Pilipinas ang aktres na si Yam Concepcion dahil engaged na siya sa long time boyfriend niyang si Miguel Cuunjieng na nakabase sa Amerika.

Nangyari ang proposal ni Miguel kay Yam sa panahon ng Winter sa Niseko, Japan Disyembre 31, 2018. Ipinost ito ng dalaga sa kanyang IG account nitong Martes ng gabi.

Halatang pinaghandaan ni Miguel ang importanteng araw na iyon na ang setting ay sa gitna ng snow na maraming disenyo at ang caption ni Yam, ”A thousand cranes YES  @mrcuu  12.31.18 11:59pm #747.”

My better half ang tawag na ni Miguel sa fiancée niya. ”Now that my better half @yamconcepcion has made the call, time for me to join in the long-delayed celebration I’ll start with just how hard it was to keep this a secret for so long.

“I’ve wanted few things more than to be able to yell this as loud as I can using every means I have! Thank you firstly to Ced Concepcion and Bebs Concepcion for granting permission, and to the ocean of close friends and family who helped make this all possible. The Japanese legend of the senbazuru notes that the gods will grant one wish to anyone who folds 1000 paper cranes, but Yam Concepcion is so special to so many, I only felt it was right to make sure those closest to us approved of my wish as well. Joshua Smith, Josh C, Sagheer Adnaan, Andrew Carter Charles Dauvergne, Mansi Babyloni, Kate Ziser, Ben Ziser Mike McLaughlin, Gaby Leon, Jennifer May Cardiff, Dima Rebeiz, Katrina Zarate, Dan Hansfield, Op Matti, Dane Go Barracoso,Ken Barracoso, Nicole CuUnjieng Aboitiz, Enrique CuUnjieng, Xavi Del Rosario, Niko Lorenzo Peralta, Kamille Ocampo, my entire family, Junji Romero, all of Yam’s amazing family and friends, my wonderful former colleagues at Ceres and Wells Fargo, and anyone I may have missed that helped fold, cut, and pack cranes for this joyous day. I’ll note we hit over 2,000 cranes, so on New Years 2018 into 2019…I asked her twice for good measure you are my only wish, and if granted two wishes you are also my second. I’ve loved you more each day since this magical one in Niseko, and I promise to give you my 100% for our forever to go #loml #TheDeadliest #toofm I thank the universe everyday you said yes, and will never know how I got so lucky.”

Sinubukan naming i-chat si Yam pero hindi pa niya nakita ang aming mensahe kaya tinanong namin ang kampo niya kung bakit hindi ito kaagad ibinalita ng dalaga.

Ang katwiran sa amin, ”Eh, kasi at that time may mga project pa, may mga ginagawa siya, so hold muna.”

Hindi pa tapos ang kontrata ni Yam sa Viva Artist Agency pero walang planong maghabol sa kanya ang talent management.

“Dinala at ipinakilala ni Yam si Miguel kina Boss Vic (del Rosario) at approved sila kay Miguel,” sabi sa amin.

Tanda namin ito na oo nga may mga larawang nakilala na nina boss Vic si Miguel at lahat nga sila nagustuhan ang binata, ito pala ‘yun na humingi na siya ng permiso.

Sa New York City nakabase sina Miguel at Yam kasama ang fur baby nilang si Tiny at napanood namin sa YouTube channel ng dalaga na namimili na sila ng mga gamit para sa kanilang bahay.

Sabi nga ni Miguel habang namimili si Yam at siya naman ang may hawak ng pushcart, ”she’s the expert” dahil ang dalaga ang in-charge sa interior nito.

Sagot naman ni Yam na nasa vlog niya, ”I’m not an expert, I just know what I want.”

Ang sagot naman sa amin kung babalik si Yam ng Pilipinas.

“Medyo matagal pa (bumalik). ‘Pag maganda ang project babalik. Okay lang din naman kay Miguel ‘pag gusto ni Yam mag-work, very supportive siya kaya na kay Yam na kung gusto pa niyang mag-work o hindi na.”

Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 100k ang nag-like sa post ni Yam at mahigit 1.5k komento na binabati silang dalawa ni Miguel.

Walang nabanggit pa sa amin kung kailan ang kasal pero ang sigurado ay sa Amerika sila pakakasal at mayroon din sa Piipinas para sa mga hindi naman makakapunta ng US.

 

 

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top