Monday , July 26 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pokwang tambak ang blessings sa GMA
Pokwang tambak ang blessings sa GMA

Pokwang tambak ang blessings sa GMA

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

ISANG panaginip kung ide-describe ng pinakabagong Kapuso star na si Pokwang ang tambak na blessings na kanyang natatanggap mula nang lumipat siya sa GMA Network.

Pahayag ni Pokwang, ”Answered prayer na may nakalinya po na drama rin, so grateful and thankful. Sobrang excited na akong gawin ang mga project na naka-ready for me…parang panaginip.”

Lubos ang pasasalamat niya sa mga paparating na proyektong ipinagkatiwala para sa kanya.

Una na siyang napanood sa The Boobay and Tekla Show na engrande ang naging pagsalubong sa kanya at nagkaroon pa ng nakaaaliw na kuwentuhan kasama ang mga host.

Dapat ding abangan ang nakalinya niyang episode sa anniversary special ng programang Wish Ko Lang.

Pumirma ng kontrata si Pokwang noong Biyernes sa ilalim ng GMA Artist Center.

 

 

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top