Monday , July 26 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pag-apir ng ‘junjun’ ni Aktor usap-usapan
Pag-apir ng ‘junjun’ ni Aktor usap-usapan

Pag-apir ng ‘junjun’ ni Aktor usap-usapan

USAP-USAPAN ngayon ang lumabas na video ng isang actor. Nasa loob siya ng isang kuwartong medyo madilim, pero kung titingnan mo ang mukha, lalo na nga ang mata, sasabihin mong kung hindi siya lasing habang kinukunan ang video na iyon ay bangag nga siya.

Hindi sinasadyang napaling ang camera sa gawing ibaba at madilim man, nakitang nakahubo pala ang actor. Mabuti na lang madilim ang video dahil kung hindi buyangyang ang kanyang kayamanan. Pero may technic ang ibang magagaling sa video editing. Napaliwanag nila ang bahaging iyon ng video at kitang-kita nga ang itinatago ng actor.

Iyong video na iyon ay ibinebenta na nga raw ng mga pirata sa DVD at saka itina-transfer sa USB drive.

Kawawa naman iyong actor, nalagay siya sa kompromiso nang hindi niya alam. Kasi mahirap naman talaga iyong gumagawa ka ng video o nagla-live ka sa internet lalo na kung lasing ka o bangag dahil mas maaaring mangyaring magpahamak sa iyo nang hindi mo alam.

(Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top