Thursday , August 5 2021
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Vlogger o immigration officer?
Vlogger o immigration officer?

Vlogger o immigration officer?

BULABUGIN
ni Jerry Yap
NAG-VIRAL nga ba sa social media ang tungkol sa isang immigration officer na ang ‘hobby’ ay mag-post ng kanyang mga “podcast” topic ang araw-araw na nangyayari sa immigration sa airport?!
 
Hobby ba talaga o sideline?
 
Ang tinutukoy natin, ang “Offloading 101” na isang ‘podcast’ ng isang “@sirkevinmartin” na ayon sa mga nakausap natin ay isang Immigration Officer na nakatalaga sa Bureau of Immigration – Ninoy Aquino International Airport (BI-NAIA).
Ewan ko lang kung nakarating na ito sa opisina ni Commissioner Jaime Morente, at ni Port Operations Division chief, Atty. Carlos Capulong na itong si ‘@sirkevinmartin’ daw ay pangkaraniwang nagpo-post ng podcast tungkol sa procedures or formalities sa immigration counter na sa tingin natin ay hindi dapat.
Sa kanyang ‘podcast’ na “offloading 101” tinukoy nito kung bakit nao-offload ang mga pasahero tuwing sumasalang sa harap ng isang immigration officer.
Awtorisado ba siya para gawin ito?
 
Although kung ang dating o mission nila ay for educational purposes, alam kaya niya na mariin itong ipinagbabawal ng ahensiya sa lahat ng mga empleyado?
 
Ang magsalita sa media o magbigay ng opinyon sa publiko lalo kung tungkol sa status ng BI at press releases na hindi awtorisado ay hindi pinahihintulutan, dahil mayroong authorized spokesperson ang BI sa katauhan ni Immigration Officer Dada ‘este’ Dana Sandoval.
 
May conflict of interest din sa ginagawa ni ‘@sirkevinmartin’ since na siya ay government employee at mahigpit na ipinagbabawal sa Section 12 of RA 6713 otherwise known as “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.”
Beyond that, mas nakatatakot kung gamitin ‘yan ng sindikato para sila ay matuto ng paraan na puwede nilang pagkakitaan at the expense of our kababayans.
Balita natin, ilang beses na raw napagsabihan itong si @sirkevinmartin ngunit binabalewala ang mga warning sa kanya!?
 
Wow ha?! Swak kaya kay Lolo Erap ang ganyang attitude?
 
Tingnan natin!

‘LITTLE
COMMISIONER’
SA BI

MAY isang nilalang pala riyan sa Bureau of Immigration – Office of the Commissioner (BI-OCOM) na halos ay araw-araw ipinupulutan ng BI employees sa kanilang breaktime.

Binansagan nga siyang ‘BOY SAGO’ ng mga urot sa BI main office.

Ito raw kasing si alyas Boy Sago ay wala palang papel o appointment diyan sa BI-OCOM pero dahil laging cannot be reached si Comm. Morente sa kanyang opisina ay siya ang pumapapel at kumukumpas dito?!

Nagtataka ang mga BI employees kung bakit malayang gumagalaw at nakikialam sa mahahalagang dokumento sa BI-OCOM ang mama.

      Laging on-time at walang absent ang mama, talo pa ang mga empleyado na nagba-biometric.

      Wattafak!?

Comm. Jaime Morente, kilala mo ba ‘yan si alyas Boy Sago?

Ano po ba talaga ang papel ng ‘mamang’ ‘yan sa inyong opisina?

Tagatimpla ng kape? Tagasalubong? Tagabulong? Tagatanggap? Tagaayos?

Aba’y baka makating pa kay Sen. Risa Hontiveros ‘yan?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top