Saturday , September 18 2021

Orcollo hari sa Classic 9-ball Open

WALANG kupas sa tumbukan si former world champion Dennis “Robocop” Orcollo matapos sikwatin ang korona sa katatapos na 8th Annual Big Tyme Classic Open 9-Ball na ginanap sa Big Tyme Billiards sa Spring, Texas.

Hindi maawat ang pananalasa ni Orcollo sa US circuit nang pagulungin nito si Shane Van Boening ng Amerika sa finals upang masiguro ang kanyang ika-10 titulo sapul nang umatake ang coronavirus (COVID-19) nung nakaraang taon.

Tumungo ng US si Orcollo, hindi pa umaatake ang coronavirus (COVID-19) at nang maminsala na ang mapanganib na virus ay hindi na siya nakauwi dahil sinuspendi pansamantala ang mga sasakyang pang himpapawid.

Naibulsa ni Orcollo ang $4,540 premyo habang nagkasya si Van Boening sa $2,890 konsolasyon.

Dumaan sa butas ng karayom si Orcollo dahil kinailangan nitong talunin si Van Boening ng dalawang beses sa finals.

Nakakuha ng twice-to-beat advantage si Van Boening dahil tumuntong ito sa championship round ng walang bahid ang karta.

Sinargo ni Orcollo ang 10-5 panalo sa Game 1 para makahirit ng do-or-die Game 2.

Nirehistro ni Orcollo ang 8-5 panalo sa second game. (ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Check Also

PH Paralympic delegation, Tokyo 2020 Paralympics

Libreng flights handog ng Cebu Pac sa PH Paralympic delegation

BILANG pagkilala at pagbibigay karangalan sa delegasyon ng bansa sa Tokyo 2020 Paralympics sa kanilang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *