Saturday , September 18 2021

Ate Girl Jackie, magaling maglihim ng relasyon

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

LIMANG taon na palang may relasyon ang It’s Showtime dancer na si Ate Girl Jackie at si Tom Doromal na miyembro naman ng Hashtag Boys dancer ng nasabing noontime show na ang sikat na loveteam ay ang kina Vice Ganda at ang talent na si Ion Perez.

Nakabibilib naman ang husay nilang “maglihim.”

Sa isang exclusive interview sa PEP entertainment website, ipinagtapat ni Ate Girl Jackie ang mistulang lihim na romansa nila ni Tom. Bago sumulpot si Ion sa It’s Showtime, may gimmick-running joke si Vice na nagiging lalaki siya tuwing nakakaharap si Jackie.

Noong naging regular na ang pa-promdi na si Ion, ang naging gimmick-running joke sa show ay pinag-aagawan nina Jackie Girl at Ion si Vice.

Hindi nilinaw sa interbyu kay Jackie Girl kung kailan nabuko ng management ang relasyon nila ni Tom o kung silang dalawa na ang kusang umamin sa lahat na may relasyon sila, at ‘yon ay nabuo habang magkatrabaho sila sa nasabing show.

Giit ni Jackie Girl, ”Siya (Tom) ‘yung lumapit, ta’s may na-develop na lang. Hindi ‘yung ako ang nakapansin na, ‘Uy, okay ito, ha.’ Walang ganoon.”

Dagdag pa ni Ate Jaquie, na 26 years old na, “’Yung sa amin, walang standard na nangyari. Biglaan lang din.

“Noong una parang workmates lang kami. Nagkakasalubong sa work. As friends, as magkakilala, as magkatrabaho.

“In the long run, nagkayayaan, mga ganyan.”

At mula raw sa mga yayaan  na ganoon, naramdaman na lang niyang nahuhulog ang loob niya kay Tom.

“Intimacies” ang bansag ni Jackie Girl sa mga pangyayaring naganap sa kanila.

“Feeling ko, para sa akin, intimacy. Maraming klase ng intimacy. Pwede ‘yung kakain kayo nang sabay, yayayain ka kumain, kukumustahin ka, lalambingin ka, yayakapin ka. ‘Yun, intimacy ‘yun sa akin.”

Pareho sigurong super bait at super in love sila sa isa’t isa. Kahit kailan ay wala silang napag-awayan ni Tom na malaking isyu.Napagdaanan na rin nila ang stage na madalas silang nagkakaroon ng lovers’ quarrel o LQ.

Paliwanag ni Jackie, ”Marami, kasi ‘pag nagsisimula kayo, andiyan ‘yung petty issues. Kahit simpleng bagay na ‘di ikagagalit, ikagagalit mo. Kasi bago pa lang kayo. Hindi mo pa tantiyado lahat.

“Pero ngayon napag-uusapan na, naiintindihan na. Ipapaliwanag both sides, ganyan.”

Dahil nga almost five years na ang relasyon nila, kabisado na nila ang isa’t isa.

“Sa relasyon, wala namang perpekto. Siya, magkakamali. Ikaw, darating ka sa punto na magkakamali ka rin.

“’Yung relationship, choice ‘yun, eh, kung gusto niyo kayo talaga.”

Kasama sa five years na ‘yon ang pagli-live in nila na nagsimula noong nagkapandemya na. Masuwerte sila dahil ‘di tutol ang magulang ni Jackie sa pakikipag-live-in. Mismo sa bahay ng pamilya ni Jackie nagsasama ang mag-sweetheart. Hindi pa sumasagi sa isip nila ang pagpapakasal. Kung 26 na si Jackie, 24 naman si Tom.

Paano ba sila nauwi sa pagli-live-in?

Ani Jackie, ”Many times dito siya nag-stay. Kasi sa [bahay niya sa] Quezon City, noong nandoon mommy niya, roon siya nag-stay. Pero noong ‘di na umuwi, rito na rin siya nag-stay.”

Tipong lumang kantang ”Little things mean a lot” ang relasyon nila.

Kuwento ni Jackie, ”Sobrang maalaga siya. Kasi acidic ako. Warm water lang talaga iniinom ko.

“Kahit anong oras, sasabihin ko kailangan ko ng warm water. Kahit tulog or nakapikit or inaantok, baba talaga siya para mag-init ng tubig at maghalo ng warm water.”

Para dagdagan ang excitement ng pagsasama nila, paminsan-minsan ay pina-prank ni Jackie si Tom.

Ayon pa sa PEP, noong November 2020 ay nag-vlog ni Jackie na nagtulog-tulugan siya sa kama nang pumasok si Tom sa kuwarto.

Nagsimula siyang umungol na para siyang binabangungot, kaya ilang beses siyang ginising ng nobyo.

Noong una ay sweet at mahinahon ang pagtawag ni Tom ng “Love” kay Jackie. Pero naalarma siya dahil hindi niya magising si Jackie kahit na inaalog na niya ang kamay at balikat ng dalaga.

Biglang tumawa naman si Jackie at sinabing, “It’s a prank!”

Natatawang reaksyion ni Tom, ”Gulat na gulat ako. Kinabahan ako, sira-ulo.”

Agad na niyakap ni Jackie si Tom para huwag itong mainis sa kanya.

Sabay kanta ni Jackie,  ”Ako ang nagwagi!”

Mas mabuti na ‘yang mag-prank na lang sila sa isa’t para madagdagan ang excitement at huwag ang pagkakaroon ng anak ang maisip nilang pampa-excite at pampa-more meaningful ng relasyon nila. Marami pang panahon para magka-baby sila kung magkakatuluyan nga sila. At pwede rin namang maging mag-asawa sila na ‘di magkakaroon ng anak.

Lumang uso na ang paniniwalang ang pagkakaroon ng mga anak ang nagbibigay kabuluhan at kahulugan sa isang pagsasama.

Happily, may kaalaman ang mag-live-in sweetheart kung paano ‘di muna magkaanak. “Responsible sex” ang bansag doon.

About Danny Vibas

Check Also

Klosetang actor at gay celebrity nagkapatulan

KAWAWA ang closeted male star kung totoo ngang nagkapatulan sila ng isang openly gay celebrity. Iyan ang kuwento sa amin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *