Monday , July 26 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sheryl kay Anjo — He’s always been there for me whenever I need him
Sheryl kay Anjo — He’s always been there for me whenever I need him

Sheryl kay Anjo — He’s always been there for me whenever I need him

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

ANG isa pang masaya rin kahit sa panahon ng pandemya ay si Sheryl Cruz.

Kasi nga, hindi hadlang ang pandemya para sa umano’y pagdagsa ng suitors sa buhay n’ya.

Ipinahayag n’ya ang pagiging mapalad sa isang huntahan ng ilang entertainment writers sa pamamagitan ng Zoom noong June 16,2021.

“Actually, I find it weird that young men or men of my age or older than me do like me.

“Despite the pandemic, they still let me know that they appreciate me. They send me flowers, nice messages,” pahayag ng diborsyadang aktres na 48 years old na, at may isang anak na babae na 20 years old na.

Natatawang inamin niya na may old flame pa nga siyang nagpapakita ulit ng interes sa kanya.

Bulalas ni Sheryl, ”Mayroong bumabalik at isa sa mga naging BF ko before. But we’ve always been really close naman.”

Natawa si Sheryl nang mabanggit ang pangalan ni Anjo Yllana.

Itinanong ng isang scribe kung alam niyang loveless si Anjo ngayon.

“’Yun ang report,” sagot naman niya.

Dugtong pa ni Sheryl, ”Hindi ako namomroblema kasi single ako, mahaba ang hair ko. At isa pa, sabi ng mga yaya ko, collect and collect and select.”

Pero biglang binawi ni Sheryl ang sinabi tungkol kay Bimoy, ang tawag niya kay Anjo.

Aniya, ”Hindi ko sinabing bumabalik, but he’s always been there for me whenever I need him.”

Isa pang napapabalitang may pagsinta kay Sheryl ay ang 28-year-old Kapuso actor na si Jeric Gonzales. At dahil mas bata si Jeric, may mga pagkakataong mas pareho ang wavelength nila ni Anjo.

“Kasi may times na alam niyo ‘yung adult talk tayo na hindi pang-age nila Jeric.

“Kumbaga kami, we started very young working together to the time na he [Anjo] made something of himself, nasa politika na siya and everything.

“Kapag may seryosong bagay na kailangan pag-usapan na labas sa showbiz, political-wise or current event, isa iyan sa mga taong maaasahan ko.”

Maraming dahilan si Sheryl sa nakahiligan na n’yang pagbaling kay Anjo.

Pagtatapat pa n’ya: ”At kapag malungkot ako, sabihin ko lang na, ‘Bimoy, nalulungkot ako.’”

“Kapag nalulungkot ako, isa sa nagpapatawa sa akin, si Anjo. At sabi nga niya, ‘She, parte ka na ng buhay ko.’ He’s just a phone call away.”

May reporter namang nanukso sa kanya na mukhang iba ‘yung “fondness” niya kay Jeric.

Mahabang sagot ni Sheryl: ”Siguro sabihin natin na he’s one of my favorites. Very easy to like, very easy to love, very easy to fall in love with.

“Lalo na kapag hinaranahan ka, ‘di ba? May tindig, ang ganda ng ngiti. Basta, ang cute ng face. ‘Tapos niyon, palaging masayahin. Minsan may sumpong.

“Pero siguro the reason why nagustuhan ko siya or nagkagustuhan kami, we have the same appreciation for what we do, for acting, and, at the same time, for music.

“Ang na-appreciate ko sa kanya, may appreciation siya sa fans niya. At isa ‘yun sa hinahangaan ko sa mga kapwa artista ko, ‘yung may pagmamahal sa mga tao na tumatangkilik sa kanila.”

Nang kulitin siya kung sino ang mas matimbang—si Anjo o si Jeric, tugon niya, ”Siyempre, ‘yung history namin ni Anjo, hindi ko ‘yun puwedeng isantabi.

“Pero ‘yung freshness na nararamdaman ko with Mr. Gonzales is very refreshing, ‘di ba?

“First of all, aminin na natin, when there’s someone that young comes into your life, kumbaga, he’s a breath of fresh air for me.

“And what I like about both of them is that, they don’t judge me. Ano man ang decision ko in my life na medyo hindi popular, kumbaga, hindi nila ko roon binabatikos, pinipintasan.

“They let me be who I am.”

At sa huli, ito raw ang masasabi ni Sheryl, ”As much as possible, kung sino man ang ibibigay sa akin ni Lord, ayoko namang mag-choose.

Pagtatapos n’ya sa usapang puso sa panahon ng pandemya: ”Alam ko, at this point in my life, I want also a partner na kumbaga, makakasama ko sa hirap at ginhawa. And ‘yung daughter ko, hindi oppose sa idea na ‘yun.”

Si Ashley Nichole ang 20-year-old daughter ni Sheryl sa ex-husband n’ya na si Norman Bustos na nanatili sa Amerika at isang bumbero (fireman). Para kanino naman kaya nag-aapoy ang puso ng bumbero sa panahon ng pandemya?

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top