Thursday , October 9 2025

Rina’s Unfiltered Skin Essentials, inilunsad

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


PINASOK
na rin ni Rina Navarro, women empowerment advocate, philantropist, movie producer ang pagnenegosyo ng beauty products, ito ang Unfiltered Skin Essentials.

Inilunsad niya ito noong Sabado sa pamamagitan ng isang virtual media conference kasama sina Jaya at Tina Ryan.

Ang Unfiltered Skin Essentials ay industry ng skin care and wellness na sinimulan nila ng mga kaibigang babae late last year. Direct selling ito at nagsimula sila sa scrats.

Ani Rina, ”They were developed in a reputable laboratory, and doon nagsimula lahat,  that’s Unfiltered skin care.”

Ang una nilang nabuong produkto ng Unfiltered Skin Essentials ay ang No Filter kit. ‘It is a complete skin care set wherein everything, like all the concerns of women and men for their skin is being addressed by this one.

“Kumbaga, this is the kit that you need, wala ng iba. I am a big hoarder and I test a lot of skincare products and they’re very pricey, expensive siya, and I realized that you know, you can actually put all of those in a bottle,” sambit ni Rina kay Tina Ryan, na host ng launching.

Kuwento ni Rina, sa kagustuhan niyang mapagsama ang lahat ng pampaganda sa iisang kit, kinausap niya ang kakilalang laboratory para gawin ito.

“And I asked him, sabi ko baka puwede namang lahat ng magandang ingredients na napakaraming ginagamit ko, ilagay sa isang kit para hindi na siya complicated. So we created a set that will uncomplicate taking care of the skin.

“Kumbaga ito na lang talaga.  So it’s our baby and it’s our first product.”

After ng isang produkto, nasundan na ito ng Ucleanse Revitalizing Facial Soap,Urenew Pore Minimizing Toner, Uglow Luminiscence Serum, Urepair Whitenig Day Cream, at ang Urecover night cream.

Ini-announce pa ni rina na marami pa silang produkto na ilulunsad. At sa mga nagtatanong kung saan ito available, paki-tsek online ang Unfiltered Skin Essentails sa Instagram (@unfilteredskin_main), Viber (+639563010059), at Facebook (Unfiltered Skin Essentials & Wellness Industry).

Bukod ditto nariyan pa rin ang I Am Hope Foundation na itinatag nila ni Bea Alonzo simula nang magka-pandemya.

Actually, Bea and I have a lot of plans for business. And when we forged our friendship and our business plans together, biglang nag-lockdown, kasi may pandemic na.

“And then there’s a certain, you know like, on my end, since I’m a businesswoman, there’s actually an amount that I have that I was intending to use for marketing.

“And siyempre di ba pag marketing namimigay ka rin naman, nag-i-introduce ka ng products, so I told Bea, ‘Bea okay lang ba sa ‘yo since wala pa tayong puwedeng maging projects, walang makakaintindi ng gagawin natin na timely and relevant, tulong muna tayo sa mga frontliner.’

“And she immediately said yes, and when we posted it, in a few months, wala pang two months we were able to raise about P13-M in cash and in kind.

“And we never stop until now. That’s how I Am Hope started.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Calub ibinida Miracles Protocol PEMF gustong ipasubok kay Kris Aquino

John Calub ibinida Miracles Protocol, PEMF, gustong ipasubok kay Kris Aquino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA and istorya ng negosyanteng si John Calub na sa pagnanais na makatulong …

Cherry Pie Picache

Cherry Pie ayaw ng nalalasing

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAHUSAY ni Cherry Pie Picache sa pelikulang The Last Beergin, lalo na sa mga …

John Calub

Success Coach John Calub advocates Biohacking and Frequency Healing 

MATABILni John Fontanilla HINDI malilimutan ni John Calub, isang  coach, author and motivational speaker, Personal Development and …

Nadine Lustre Jane Goodall

Nadine wasak sa pagpanaw ni Jane Goodall 

MATABILni John Fontanilla DUROG ang puso ni Nadine Lustre sa pagkamatay ng iniidolong Primatologist at Anthropologist na …

Toni Rose Gayda Michael de Mesa

Michael, Toni Rose umalma, buhay na buhay pa!

I-FLEXni Jun Nardo MAGING ang aktor na si Michael de Mesa eh biktima rin ng fake news …