Monday , July 26 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pokwang tinatarget si Alden
Pokwang tinatarget si Alden

Pokwang tinatarget si Alden

I-FLEX
ni Jun Nardo

TARGET ni Pokwang na makasama si Alden Richards ngayong Kapuso artist na siya. Nakasama niya si Alden sa isang show at pansin niya ang pagiging malambing ng young actor.

“Lahat nga ng posts ko, lagi siyang nagku-comment. Mabait na bata kaya isa siya sa gusto kong makasama sa trabaho.

“Answered prayer itong pagiging Kapuso ko,” pahayag ni Pokwang sa kanyang virtual interview.

Matapos niyang mag-guest sa The Boobay and Tekla Show, mapapanood si Pokwang sa prequel ng Pepito Manaloto: Unang Kuwento na makakasama sina Mikee Quintos at Sef Cadayona.

Wish din niyang makasama sa morning talk show sina Ai Ai de las Alas at Eugene Domingo na ang titled ay TITS!

 

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top