Thursday , August 5 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Vice kay Ion — Pinakalma niya ang buhay ko
Vice kay Ion — Pinakalma niya ang buhay ko

Vice kay Ion — Pinakalma niya ang buhay ko


MA at PA
ni Rommel Placente

BUONG pagmamalaking sinabi ni Vice Ganda sa interview sa kanya ni Ogie Diaz sa vlog nito, na sobrang masaya siya sa  relasyon nila ng boyfriend na si Ion Perez.

“Ang saya ng puso ko. Masaya kami ni Ion. Masaya ako kay Ion. Masaya ako sa relationship namin and every day I say thank you to God. Ang bait mo binigyan mo ako ng ganito. Paano kung wala ‘to?” sabi ni Vice.

Ayon pa kay Vice, kung walang Ion sa buhay niya, magiging malungkot siya. Ang boyfriend kasi ang humahagod sa likod niya kapag umiiyak siya. At magiging miserable raw ang buhay niya kapag buryong na buryong na siya, tapos ay walang Ion na tititig sa kanya.

“Si Ion kasi, hindi masalita pero kapag tumitingin siya akin, tapos nakita ko na siya, kumakalma na ako. Pinakalma niya ‘yung buhay ko,” sabi pa ni Vice tungkol kay Ion.

Mukhang maligaya talaga ngayon si Vice sa piling ni Vice, noh? Aba, huwag na sana silang maghiwalay! Sana ay for keeps na ang relasyon nila. Kung maghihiwalay kasi sila, siguradong hindi ‘yun matatanggap ni Vice.

 

 

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top