Monday , July 26 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sheryl may go signal na sa mga anak para mag-BF
Sheryl may go signal na sa mga anak para mag-BF

Sheryl may go signal na sa mga anak para mag-BF

I-FLEX
ni Jun Nardo

PINAGTUTULAKAN na si Sheryl Cruz ng mga anak na mag- boyfriend. Hiwalay na rin kasi siya sa  non-showbiz na ama ng mga anak na nasa ibang bansa.

Eh sa huling pag-uusap ni Sheryl sa ilang press via virtual interview, binanggit niyang kung magkaka-boyfriend siya, gusto naman niya ng isang celebrity.

Na-link kay She ang leading man niya sa Kapuso series na Magkaagaw na si Jeric Gonzales. Itinanggi niyang mayroon silang relasyon.

“Close friend lang kami ni Jeric. We are still in touch,” sambit niya.

Inamin naman niyang ang ex-boyfriend niyang si Anjo Yllana ay nakakausap pa rin  niya ngayon.

“Marami akong natututuhan sa kanya at masaya siyang kausap. Masarap siyang kausap. Hanggang doon lang muna kami,” rason niya.

Isa si Sheryl sa stable of artists ni Rams David under his Circle of Artists.

Nangangamoy balikan ba ang Sheryl at Anjo?

 

 

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top