Thursday , July 29 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ruru na-comatose nang mabangga
Ruru na-comatose nang mabangga

Ruru na-comatose nang mabangga

Rated R
ni Rommel Gonzales

HUWAG
palagpasin si Ruru Madrid sa isa na namang nakaaaliw na all-new episode ng Dear Uge sa Linggo, June 20.
Parte ng sales pitch ni Alex (Ruru) tuwing nagbebenta ng insurance sa kanyang mga kliyente ang pagpapahalaga sa kapwa at mga mahal sa buhay. Subalit taliwas sa kanyang sales pitch, makasarili at walang pakialam si Alex sa mga tao sa kanyang paligid.
Magbabago ang lahat nang mabangga si Alex ng sasakyan at ma-comatose. Nang magising, naisipan ni Alex na baguhin ang kanyang buhay lalo na ang pakikitungo sa mga tao.
Habang sinusubukang makipag-ayos sa mga dating nakaaway, malalaman ni Alex na hindi aksidente ang nangyari at may nagbalak talagang patayin siya.
Itutuloy pa nga ba ni Alex ang kanyang pagbabagong buhay?
Makakasama rin ni Ruru sina Rodjun Cruz, Archie Alemania, at Jelai Andres.
Abangan ang nakaaaliw na kuwento ng Dear Uge.

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top