Monday , July 26 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Puganteng Chinese timbog sa Angeles (Suspek sa pagpatay ng kababayang Tsino)
Puganteng Chinese timbog sa Angeles (Suspek sa pagpatay ng kababayang Tsino)

Puganteng Chinese timbog sa Angeles (Suspek sa pagpatay ng kababayang Tsino)

DINAKMA ng mga awtoridad ang isang puganteng Chinese national, suspek sa pagpatay ng sariling kababayan sa isinagawang manhunt operation nitong Martes, 15 Hunyo, sa loob ng Clark Freeport Zone, lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga.
 
Kinilala ni PRo3 Director PBGen Valeriano De Leon ang suspek, ayon sa ulat ni P/Col. Rommel Batangan, na si Zhihui Yan, kasalukuyang naninirahan sa Park View Villages, Clark Freeport Zone, Mabalacat, ng nasabing lalawigan.
 
Ayon kay P/Col. Batangan, nang makompirma ang kinaroroonan ng suspek ay agad isinilbi ng mga kagawad ng Regional Intelligence Unit 3 (RIU3) at CIU, CMFC, PS2 Angeles City Police ang alias warrant sa kasong Homicide na nilagdaan ni Presiding Judge Erick Sadural, ng Angeles City RTC Branch 116, may P240,000 piyansa sa para sa kanyang pansamantalang paglaya.
 
Sa impormasyon ng mga awtoridad, lumipat ng tirahan ang suspek mula sa dating tirahan sa Sunset Valley Mansion, Brgy. Cutcut, ng nasabing lungsod, matapos siyang iturong pangunahing suspek sa pagbaril at pagpatay sa kapwa Chinese national na si Jin Hua Wo noong 13 Abril 2020 ng nasabi rin lugar. (RAUL SUSCANO)
 
 

About Raul Suscano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top