Wednesday , September 24 2025

PH Animation Sector Delegation suportado ng FDCP sa Annecy Animation Fest 2021

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


PANGUNGUNAHAN
ng Film Development Council of the Philippines  (FDCP)  ang pinakamalaki at pinakaprestihiyosong animation festival sa buong mundo, ang Annecy International Animation Film Festival sa France mula Hunyo 14 hanggang 19, kasama rito ang kauna-unahang competing film mula sa Pilipinas, apat na projects, at higit sa 50 na animation workers mula sa 29 na animation studios.

Ang Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story ni Avid Liongoren ay napili bilang kauna-unahang pelikulang Filipino na kasama sa kompetisyon sa Annecy. Ang unang Filipino Netflix animated film ay project ng First Cut Lab 2019 na isinagawa ng FDCP at Tatino Films. Ang pelikula ay tungkol sa pusang si Nimfa na naghahanap ng tunay na pag-ibig at kaligayahan at dapat pumili sa dalawang aso sa kanyang buhay.

Sa Marché international du film d’animation d’Annecy (MIFA) o Annecy International Animation Film Market, tatlong Philippine projects, kasama ang projects mula sa Malaysia at Thailand, ay kasama sa ASEAN Pitch sa Hunyo 15. Ang mga ito ay Ella Arcangel ni Mervin MalonzoKampilan ni Cris Dumlao, at Hayop Ka! Universe ni Manny Angeles.

Magkakaroon ng access ang delegates sa MIFA database, virtual stands at pavilions, online meeting platforms, Matchmaking, Work in Progress, Masterclasses, Pitches, Partners Screenings, at Mifa Campus. Idinaraos ang Annecy International Animation Film Festival mula Hunyo 14 hanggang 19, habang ang MIFA ay mula Hunyo 15 hanggang 18.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Katrina Halili Katie

Katrina nakaaantig mensahe sa anak na si Katie  

MATABILni John Fontanilla NAANTIG ang puso ng mga netizen sa makabagbag damdaming birthday message ni Katrina …

Denise Frias

Dream na maging lawyer ni Denise Frias, malapit nang matupad

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio HALOS abot-kamay na ni Denise Frias ang katuparan ng pangarap …

Angelica Hart Bitoy Michael V

Angelica Hart, goodbye na sa pagpapa-sexy

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKILALA man si Angelica Hart sa larangan ng pagpapa-sexy sa …

Carla Abellana

Carla sa mga animal abuser: dapat silang makulong

RATED Rni Rommel Gonzales SA magulo at tiwaling takbo ng buhay ngayon sa Pilipinas, may …

Cesar Montano

Cesar suportado rally sa Luneta at EDSA

RATED Rni Rommel Gonzales MAHALAGA kay Cesar Montano ang rally sa Luneta at EDSA laban sa matinding …