Thursday , August 5 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Anton Roxas pasok sa NCAA Season 96
Anton Roxas pasok sa NCAA Season 96

Anton Roxas pasok sa NCAA Season 96

COOL JOE!
ni Joe Barrameda
PORMAL nang binuksan ang NCAA Season 96 last Sunday at araw-araw na itong napapanood sa GTV. Bukod kay Martin Javier, may isa pang pamilyar na mukhang mapapanood ngayon sa NCAA–si Anton Roxas.
Kilala si Anton sa larangan ng sports dahil itinuturing siyang isa sa premier sports commentator sa bansa.
Kasabay ng opening ceremony ng NCAA Season 96, nag-post si Anton sa kanyang Twitter account: “#NCAASeason96 is officially open! And yes, I’m officially a Kapuso.”
Marami tuloy ang natuwa na Kapuso na ang kanilang paboritong sports commentator at mapapanood siyang muli sa telebisyon. Asahan na nga ang mga blow-by-blow account ng bawat laro ngayong season kasama pa ang highlights at analysis mula kay Anton.
Mapapanood si Anton sa Rise Up Stronger: NCAA Season 96, weekdays, 2:45 p.m., Saturdays, 4:30 p.m. and Sundays, 5:05 p.m. sa GTV.
 

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top