Monday , July 26 2021
Breaking News
You are here: Home / News / 3 opisyal ng OTS inireklamo sa Ombudsman ng Airport police
3 opisyal ng OTS inireklamo sa Ombudsman ng Airport police

3 opisyal ng OTS inireklamo sa Ombudsman ng Airport police

NAGHAIN ng kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman ang isang opisyal ng Airport Police Department (APD) laban sa tatlong opisyal ng Office of Transportation Security (OTS), dahil sa reklamong nilait at ipinahiya sila habang ginaganap ang zoom meeting sa kanilang tanggapan sa lungsod ng Pasay.
 
Ayon kay PLt. Jesus Ducusin, ng APD PIID, hindi siya nagdalawang-isip na magsampa ng kasong unjust vexation sa korte at administratibo na grave misconduct sa Ombudsman laban kina NAIA One Stop head at OTS Usec. Raul Del Rosario; Atty. Karen Lim ng Legal office, at Director Edgar Danao dahil sa ginawang panghihiya at pang-iinsulto sa ginanap na zoom meeting noong Miyerkoles.
 
Sa panayam kay Ducusin, pinadalhan siya ng imbitasyon ng OTS para dumalo sa Zoom meeting ng NAIA One Stop Shop.
 
Inakala ni Ducusin na makatutulong ang kaniyang kaalaman bilang AVsec Instructor sa NAIA bilang pagtugon sa airport screening at iba pang may kinalaman sa kaayusan ng paliparan.
 
Hindi sukat akalain ni Ducusin, sa gitna ng talakayan ay nasentro ang usapin sa kanya mula sa paghuli at pagkulong sa ilang OTS personnel na umano’y sangkot sa ilang katiwalian.
 
Dapat umanong dalhin na lamang sa tanggapan ng OTS o sangay ng pamahalaan na nasa NAIA complex ang mga empleyado na nagkasala at hindi sa kustodiya ng APD.
 
Bukod dito, kinuwestiyon din ng OTS officials ang mandato at karapatan ng Airport Police sa NAIA bagay na ipinaliwanag nang maayos ni Ducusin.
 
Aniya, hinuli nila ang ilang tauhan ng OTS screeners na itinurong sangkot sa nakawan ng mga bagahe ng ilang pasahero partikular sa overseas Filipino workers (OFWs).
 
Habang nagpapaliwanag si Ducusin, kaliwa’t kanan umano ang ipinupukol na panlalait at pagpapahiya sa kanya ng mga opisyal ng OTS habang nakikinig sa kanilang zoom meeting na sinabing narinig din ng ilang airport employees.
 
Ito ang nag-udyok kay Ducusin na sampahan ng kaso ang mga opisyal at ipaglaban ang kanilang mandato o ‘police power’ sa NAIA complex.
 
Noong mga nakalipas na buwan, inaresto din ng APD ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) na nanlait at pagpapahiya sa pagkatao ng tatlong airport policemen habang nagtatalo sa isang minor traffic incident dahilan upang arestohin nila ang huli.
 
Naging kontrobersiyal naman ang OTS sa pagkakasangkot sa iskemang ‘tanim-bala’ ng ilang empleyado nito.
 
Ang OTS at PCG ay nasa ilalim ng One Stop Shop na pinamumunuan ni Del Rosario.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top