Monday , July 26 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sharon pinagmukhang cougar
Sharon pinagmukhang cougar

Sharon pinagmukhang cougar

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI nga yata maganda ang naging reaksiyon ng fans ni Sharon Cuneta sa isang indie film na ginawa niya na medyo off beat ang kanyang role. Noong una ok lang naman sa fans eh, ang akala nila binigyan lang siya ng isang mas batang leading man, si Marco Gumabao.

Pero nang lumabas ang ilang stills ng indie na nagpapakita ng isang eksena na may “body shots,” iba na ang reaksiyon ng publiko.

Iyang body shots ay ginagawa sa parties o kaya sa clubs, na may inuman, usually ng tequila, tapos pinupunasan ng lemon o asin ang katawan ng isang lalaki, at matapos uminom ng tequila, didilaan ng babae ang bahagi ng katawan ng lalaki na pinahiran ng lemon o asin.

Ang reaksiyon nila, mukhang unbecoming iyon para sa isang aktres na kagaya ni Sharon, at lalong unbecoming kung iisipin mong asawa siya ng isang senador. Mukhang hindi rin nila nagustuhan ang suot niya na halos kita na ang kanyang dibdib. Sabi nga nila, ang magiging image ni Sharon parang “cougar.”

Bakit nga kaya nila pinagawa ng ganoong role si Sharon? Wala na ba siyang magagawang iba?

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top