Thursday , July 29 2021
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Krystall Herbal Oil malaking tulong sa plantitos/plantitas
Krystall Herbal Oil malaking tulong sa plantitos/plantitas

Krystall Herbal Oil malaking tulong sa plantitos/plantitas

Dear Sis Fely Guy Ong,

        Kami po ang mag-asawang Bonnie & Clyde, pareho kaming 38 years old, nakatira sa Gumaoc, San Jose del Monte, Bulacan.

Sa kasalukuyan po ay kapwa kami self-employed dahil ang pinapasukan naming kompanya ay pansamantalang nagsara dahil sa lockdown ngayong panahon ng pandemyang dulot ng CoVid-19.

Self-employed po kami, dahil nang mawalan kami ng trabaho, nagtanim po kami ng asawa kong si Clyde. Inisa-isa po namin ang aming mga tanim na puwedeng i-propagate. Naghanap ng paso at lupa at presto naparami namin ang aming mga halaman.

Simula po noon, isang taon na ang nakalilipas, ‘yan na po ang naging kabuhayan namin hanggang ngayon. Pero masama po ang nangyari sa aming mag-asawa.

Dahil nagbubuhat kami ng mabibigat na paso at halaman, parehong sumakit ang likod namin.

Isang sis sa El Shaddai ang nagpayo sa amin na gumamit ng Krystall Herbal Oil at Krystall Nature Herbs. Ihaplos sa mga apektadong muscles ang miracle oil na Krystall sa loob ng 15 minuto at hayaang ma-absorb ito. At pagkatapos ay uminom ng mainit na nature herbs.

Ginawa nga po namin. Aba gulat na gulat po kaming mag-asawa dahil naramdaman agad namin ang ginhawa ng Krystall Miracle Oil at ng Krystall Nature Herbs. Pinagpawisan kami nang husto at pagkatapos no’n ay parang nagdahilan lang ang pananakit ng aming mga kasu-kasuan at apektadong muscles. Maraming-maraming salamat sis Fely Guy Ong. Hanggang ngayon ay walang kupas ang iyong mga imbensiyon.

Salamat kay Yahweh El Shaddai.

Ang inyong tagasubaybay,

BONNIE & CLYDE DELA CRUZ
Gumaoc, San Jose del Monte,
Bulacan

About Fely Guy Ong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top