Thursday , September 23 2021

Kim na-trauma at laging umiiyak

MATABIL
ni John Fontanilla

SOBRANG na-trauma si Kim Rodriguez nang magkasagutan sila ni Kagawad Ronaldo Ortiz ukol sa parking sa kanilang lugar sa Brgy. Concepcion Dos, Marikina City.

Bagamat nagka-ayos na sa harap ni kapitan Mary Jane Zubiri- Dela Rosa, hindi malimutan ni Kim ang pangyayaring ‘yun na kapag naaalala  ay hindi niya maiwasang maiyak.

“Naku Tito John grabeng trauma ‘yung naging experience ko sa nangyari. Kahit nagkapalinawagan na kami at naayos na ‘yung problema hindi na maalis sa utak ko ‘yung takot at may times na naiiyak pa rin ako.

“May time na habang natutulog ako, bigla na lang magigising at maiiyak.”

Mabuti na lang at balik-taping na naman siya bagong soap ng Kapuso Network.

“Buti nga po balik-taping na ako at least malilibang ako at sana unti-unti ko nang malimutan ‘yung nangyari,” pagtatapos ni Kim.

About John Fontanilla

Check Also

Manny Pacquiao, Jinkee Pacquiao

Jinkee suportado ang pagtakbo ni Manny sa pagka-pangulo

FACT SHEETni Reggee Bonoan KAHAPON naman ay ipinost ng wifey ni Senator Manny Pacquiao, si Jinkee Pacquiao sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *