Thursday , September 23 2021

Ken wais sa negosyo

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

NAG-SHARE naman si Ken Chan ng bago sa kanyang mga ginagawa ngayon. At ito ay isang negosyo.

“Matagal kong pinag-isipan kung saan ko ilalagay ‘yung mga naipon ko. Lalo na sa panahon ngayon kailangan mo talagang maging wais sa pagpili ng negosyo na papasukin mo.

“Araw-araw, gabi-gabi akong nagdarasal sa Panginoon na dalhin Niya ako sa tamang lugar. Ngayon proud akong sabihin na parte ako ng iFUEL Gasoline Station.

“Hindi ako nagkamali sa pinili ko dahil kahit na dumating ang pandemya mas lalong lumakas ang mga gasolinahan namin and for me that’s a miracle. Dinala ako ng Panginoon sa lugar kung saan hindi lang ang sarili ko ang natulungan ko pati na rin ang buong pamilya ko at mga taong nangangailangan ng tulong ko.”

At nagpahatid siya ng pasasalamat sa isang Ms. Krizzia at sa buong team ng iFUEL Gasoline Station.

Pakiramdam nga ni Ken, eh he’s so blessed. Kung kaya niya raw eh, siguradong kakayanin niyo rin ang nasabing negosyo.

About Pilar Mateo

Check Also

Manny Pacquiao, Jinkee Pacquiao

Jinkee suportado ang pagtakbo ni Manny sa pagka-pangulo

FACT SHEETni Reggee Bonoan KAHAPON naman ay ipinost ng wifey ni Senator Manny Pacquiao, si Jinkee Pacquiao sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *