Tuesday , September 23 2025

FDCP, pamumunuan ang biggest delegation ng PH animation sa Annecy Animation Fest 2021

ANG pinakamalaki at pinakaprestihiyosong animation festival sa buong mundo, ang Annecy International Animation Film Festival sa France, ay may malakas na representasyon mula sa Filipinas na may pinakamalaking delegasyon na pinamumunuan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), kasama ang unang competing film mula sa bansa, apat na projects, at higit sa 50 animation workers mula sa 29 na animation studios.
Ang Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story ni Avid Liongoren ay napili bilang unang pelikulang Pinoy na kasama sa kompetisyon sa Annecy. Ang unang Filipino Netflix animated film ay project ng First Cut Lab 2019 na isinagawa ng FDCP at Tatino Films. Ito ay tungkol sa pusang si Nimfa na naghahanap ng tunay na pag-ibig at kaligayahan at dapat pumili sa dalawang aso sa kanyang buhay.
 
Sa Marché international du film d’animation d’Annecy (MIFA) o Annecy International Animation Film Market, tatlong Philippine projects, kasama ang mula sa Malaysia at Thailand, ay kasama sa ASEAN Pitch sa Hunyo 15. Ang mga ito ay Ella Arcangel ni Mervin Malonzo, Kampilan ni Cris Dumlao, at Hayop Ka! Universe ni Manny Angeles.
 
Ang Ella Arcangel ay isang series ukol sa batang babae sa slums ng Maynila na nakikipaglaban sa mga halimaw upang protektahan ang kanyang komunidad, at malalaman niyang may mga bagay sa mundo na mas masahol pa kaysa sa mga halimaw. Kampilan, na nakapag-pitch sa virtual na Kre8tif! Conference at Content Festival sa Malaysia noong 2020, ay ukol sa prinsipeng nahaharap sa paparating na banta. Sa tulong ng mga tapat na kaibigan, kailangang gumawa ng paraan upang mailigtas ang tribo.
 
Tampok sa Hayop Ka! Universe, ang spin-off at sequel ng Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story. Ang spin-off na series na Papa Jorge’s Bedtime Radio Confessions ay ukol sa love doctor sa radyo na si Papa Jorge habang ang sequel na pelikulang The Jerry Action Bonanza: Hayop Ka Din! ay hinggil sa baguhang security guard sa museum na nakikipaglaban sa mga magnanakaw at goons ng kanyang sariling amo.
 
Ang FDCP, na nagsagawa ng Open Call for Animation Projects, ang namumuno sa Philippine Delegation sa Annecy. “Boosting the animation industry has been part of the FDCP’s priority programs since 2017. Through our participation in Annecy, we aim to expand the already thriving service sector of the animation industry and elevate the skills of animation workers through participation in various conferences and workshops in MIFA,” saad ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.
 
“We also seek to continue to support the global track of original Filipino Intellectual Property (IP) creations by giving them a platform to find industry partners in MIFA. Additionally, we wish to explore further the potential of the Filipino comics community by providing a space for them to promote their IPs in MIFA, especially with the recent success of ‘Trese’ in Netflix,” aniya pa.
 
Idinaraos ang Annecy International Animation Film Festival mula Hunyo 14 hanggang 19, habang ang MIFA ay mula Hunyo 15 hanggang 18.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Celebrites Rally Protest

Entertainment sector lumahok sa protesta vs multi-trilyong korupsiyon

BUKOD sa sektor ng mga relihiyoso, lumahok sa panawagan ng publiko na labanan ang malawakang …

Klinton Start

Klinton Start pinagsasabay pag-aaral at pag aartista

MATABILni John Fontanilla ABALANG-ABALA ang dancer/actor na si Klinton Start dahil bukod sa kanyang showbiz career ay …

Will Ashley

Will Ashley naiyak sa sulat at regalo ng fans

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL at naiyak si Will Ashley sa pagdiriwang ng kanyang 23rd birthday nang sinorpresa siya …

Julia Barretto Gerald Anderson Vannie Gandler Lucas Lorenzo

Gerald at Julia kompirmadong hiwalay na

I-FLEXni Jun Nardo WALANG umaamin kina Julia Barretto at Gerald Anderson kung hiwalay na sila. Pero sa social media, …

Lindsay Custodio

Lindsay Custodio may warrant of arrest dahil sa cyberlibel case

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BAD news ang nasagap namin para sa dating singer/actress na …