Thursday , July 29 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bianca sa mga nakipaghiwalay — ‘Wag malugmok sa sitwasyon
Bianca sa mga nakipaghiwalay — ‘Wag malugmok sa sitwasyon

Bianca sa mga nakipaghiwalay — ‘Wag malugmok sa sitwasyon

Rated R
ni Rommel Gonzales

PARA naman kay Bianca Umali, leading lady din sa Legal Wives, hindi dapat hayaan ng tao na malugmok sa sitwasyon.

“A reminder is that it’s okay not to be okay. Tama na we should respect the process and do not stay there. Huwag mong hayaan ‘yung sarili mo na malugmok ka sa kalungkutan at huwag na huwag mong iisipin na ikaw ang problema. Love yourself, move on and be happy because life goes on,” sabi ni Bianca.

Mahalaga naman para kay Alice Dixson, isa rin sa gaganap na misis ni Dennis sa serye, na bigyan ng isang tao ang sarili ng panahon.

“Sabi kasi ng friend ko, it takes one to forget one. But the thing is, when you do that, hindi mo binibigyan ang puso mo ng time to heal and also to recover and become whole again. Usually kasi sobra na ‘yung ibinibigay mo roon sa loved one mo and siyempre if he does not reciprocate, you feel empty inside,” sabi ni Alice.

“I think the best thing is to find other things na puwede mong pagkaabalahan. Educate yourself, hangout with your friends, do things that you enjoy to make yourself happy. And then when you least expect it, darating ‘yung prince charming mo,” dagdag ni Alice.

Ang Legal Wives ay ukol sa kultura ng mga Muslim, at kabilang dito ang pagpapahintulot sa mga lalaki na magkaroon ng higit sa isang asawa. Gumaganap si Dennis bilang si Ishmael, na ikinasal kina Amirah (Alice), Diane (Andrea), at Farrah (Bianca).

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top