Monday , July 26 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Robin nanganib nang maglayag
Robin nanganib nang maglayag

Robin nanganib nang maglayag

I-FLEX
ni Jun Nardo

INARAW-ARAW ni Robin Padilla ang pagkukuwento sa asawang si Mariel Padilla tungkol sa docu-film na Victor 88.

Mapanganib kasi ang ginawang paglalayag ni Robin at mga kasama patungong Pag-asa Island.

“Pumayag na rin siya nang araw-arawin ko ang mga kuwento tungkol sa project namin,” sabi ni Robin sa press launch ng movie.

Gamit nina Robin ang barkong Victor 88 ang pangalan. Sinuong nila ang malalakas na alon at paminsan-minsan pagkasiya ng barko.

“Hindi ako ang bida rito! Ang mangingisda ang bida rito. Mapanganib ang paglalayag at ilang araw na pananatili sa barko.

“Mapapanood ninyo sa six-part documentary ang adventures namin papuntang Pag-asa Island!” pagmamalaki ni Binoe.

Sa ktx.ph at upstream puwede mapanood ang docu film.

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top