Monday , July 26 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dingdong wala pa ring plano sa 2022 election
Dingdong wala pa ring plano sa 2022 election

Dingdong wala pa ring plano sa 2022 election

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGPAHAYAG na ring walang planong tumakbo sa eleksiyon sa 2022 si Dingdong Dantes. Palagay naming, tamang desisyon iyan. Hindi man siya isang politiko, kilala si Dingdong na panig sa isang grupo ng oposisyon. Noon pa nila kinukumbinsi si Dingdong pero hindi nakipagsabayan iyon, kahit na sabihin pang noong una, nasa administrasyon pa ang mga kakampi niya at naka-puwesto pa siya noon bilang Youth commissioner.

Sumunod na pagkakataon, kinumbinsi na naman siya at hindi siya sumama. Wise decision iyon dahil nakita naman natin ang nangyari kung saan dumiretso ang lahat ng kandidato nila. Ngayon sinasabi ngang may chance na makabangon sila, pero ngayon pa ba siya susugal na alam niyang ang haharaping problema ay napakalaki. Talagang hindi pa wise na pasukin niya ang politika. Mag-concentrate na lang muna siya sa pagiging isang artista at doon sa itinayo niyang samahan ng mga artista. Mas makatutulong siya roon.

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top