Thursday , July 29 2021
Breaking News
You are here: Home / News / 2 tulak timbog sa P.34-M ‘bato’
2 tulak timbog sa P.34-M ‘bato’

2 tulak timbog sa P.34-M ‘bato’

NASAKOTE ang dalawang hinihinalang drug peddlers sa isinagawang drug bust operation ng pulisya sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes, 10 Hunyo.

Ayon sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, nagkasa ang Drug Enforcement Unit ng Marilao Municipal Police Station (MPS) buy bust operation sa Villa Roma 5, Brgy. Lias, sa naturang bayan dakong 10:00 pm, nitong nakaraang Biyernes.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakadakip kina Vhen Symond Olfindo, drug-listed individual, 28 anyos, may-asawa, walang trabaho; at Gerry De Guzman, binata, isang cellphone technician.

Nasamsam mula sa dalawa ang isang piraso ng selyadong plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 50 gramo, at Dangerous Drug Board street value na P340,000; at P65,000.00 halaga ng boodle money.

Inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5 kaugnay sa Section 26 at Section 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 para ihain sa korte laban sa dalawang suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top