Friday , June 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Star Magic executives pinasok na rin ang GMA
Star Magic executives pinasok na rin ang GMA

Star Magic executives pinasok na rin ang GMA

HATAWAN
ni Ed de Leon

MUKHANG totoo nga ang tsismis na papasok na rin sa GMA hindi lamang ang malalaking artista ng ABS-CBN, kundi pati na rin ang mga dating executives ng Star Magic. Kung mangyayari iyan, maaaring asahan na mas marami pa ang tatalon, dahil mukhang mas may tiwala sila sa mga dating head ng Star Magic dahil sa nagawa na ng mga iyon. Iyong mga pumalit naman walang magawa. Ano nga ba ang gagawin nila eh sarado ang Estasyon at wala namang sinehan kaya natural sarado rin ang film company.

Pero hindi lang kami sa stars concerned, ano ang mangyayari sa mga taong dating may hawak naman ng trabaho sa artists’ center ng GMA? Ipagpalagay nating mananatili sila sa kanilang posisyon, at ang mangyari ay bigyan sila ng consultants, masusunod pa ba ang diskarte nila?

Ano rin ang maiisip ng mga dating star sa Kamuning ngayong napasok na ng mga taga-Mother Ignacia hindi lamang ang kanilang trabaho kundi pati management ng kanilang career?

Puwedeng tumalon din ang mga iyan sa iba, pero huwag naman sana Roon sa mga napakaliliit na estasyon na wala na rin namang makakapanood sa kanila.

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top