Friday , June 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Chanel Latorre thankful sa GMA-7, bahagi ng seryeng Legal Wives
Chanel Latorre thankful sa GMA-7, bahagi ng seryeng Legal Wives

Chanel Latorre thankful sa GMA-7, bahagi ng seryeng Legal Wives

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MAPAPANOOD ang mahusay na aktres na si Chanel Latorre sa bagong TV series ng GMA-7 titled Legal Wives. Tampok dito sina Dennis Trillo, Bianca Umali, Andrea Torres, Alice Dixson, at iba pa. Magsisimula ang serye sa June 21.

Nagkuwento si Chanel hinggil sa naturang project.

Aniya, “Kasama po ako sa Legal Wives kung saan ako po ay gaganap bilang si Faiza Makadatu, pinsan ni Ismael Makadatu (Dennis) na nagsilbi sa pamilya pagkatapos ipagtanggol nito sa kapahamakan.

“Ang Legal Wives ay isang istorya ng pamilyang Maranaw kung saan maipapahiwatig ang side ng mga issues ng ating mga kapatid na Muslim na usually ay misunderstood ng nakakarami.

“It aims to break xenophobia by showing us that even if we have different beliefs, we all experience the same issues and want the same things- peace, love and respect.”

Dagdag pa ng aktres, “Ito po ang first regular show ko sa time ng pandemya. Ang dami po na obstacles pero hanga po ako sa production at sa GMA to push through with a very noble and ambitious project.”

Ano ang reaksiyon niya dahil parang hindi siya nababakante lately sa GMA-7?

Masayang tugon ni Chanel, “I am very thankful for the trust and opportunities that GMA gave me through the years. Hindi po ako part ng Artist Center, pero ‘di po nila ako pinabayaan lalo na sa time na ito.”

Ipinahayag din ni Chanel ang pasasalamat na kahit pandemic ay tuloy-tuloy pa rin ang kanyang trabaho.

“First and foremost, thankful ako kay Lord talaga dahil hindi ako nagkakasakit. Second, kahit di ako gaano kasikat na artista, awa ng Diyos, di naman po ako natengga nang matagal sa pagiging aktres. Sa time ng uncertainty, itong thought ng blessing Niya sa akin of good health and work ay nakakawala nang matinding anxiety,” sambit pa ni Chanel.
&&&

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top