Wednesday , June 23 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sanya kinalampag ang socmed; Pagbi-bikini trending uli
Sanya kinalampag ang socmed; Pagbi-bikini trending uli

Sanya kinalampag ang socmed; Pagbi-bikini trending uli


Rated R
ni Rommel Gonzales

NAGING usap-usapan noong nakaraang linggo ang nangyaring ‘bikini showdown’ sa top-rating GMA Telebabad soap na First Yaya.

Ayon sa bida ng First Yaya na si Sanya Lopez, idinagdag lang nila ang eksenang iyon para mag-promote ng body positivity, lalong-lalo na sa mga kababaihan.

Bukod kay Sanya, nagsuot din ng bikini sina Maxine MedinaKakai BautistaCai Cortez, Thia Thomalla, at Annalyn Barro.

“Ipino-promote rin namin dito ‘yung no to body shaming. Kung ano ka man, be confident,” saad ni Sanya.

“Maging happy ka kung sino ka, kung ano ka, and maging kuntento ka kung sino ka. ‘Yun ang importante.”

Samantala, ito na ang huling beses na magsusuot ng bikini si Sanya sa First Yaya. Nauna nang nag-trending ang pagsuot ni Sanya ng red bikini.

“Sa ngayon ‘yun lang muna para hindi magsawa ang mga manonood pero palaban naman si Yaya Melody I think ready naman siya dapat,” dagdag ni Sanya.

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top